AiAi Delas Alas Uncut Interview : The Buzz Exclusive
The Buzz transforms Sundays into 'Chismis Day' by delving into the hottest showbiz controversies and delivering up-to-date celebrity news. Watch The Buzz every Sunday after Growing Up and get the stories straight from the celebrities in no holds barred interviews and exposes.
Nag-umpisa ang kuwento niya kay Tito Boy kahapon nang ayain siya nitong mag-celebrate ng kanilang monthsary.
“Eh ayoko nang mag-casino siya kasi hindi naman healthy para sa kanya and hindi rin maganda para sa akin na nakikita ako sa casino,” simula ni AiAi.
“So, sinabi ko sa kanya, do’n na lang kami sa bahay. Or any hotel, ’wag lang do’n kasi may casino do’n. Pero nagalit siya as in napunta na naman kami sa physical fight.”
Pero mas matindi ang rebelasyon ni AiAi tungkol sa pananakit sa kanya ng basketbolista.
“Hinahagis ako sa kama, ganun. Sampalan, bunuan. Eh nung araw na ’yun, nung time na hinila niya ako sa sahig at kinaladkad, doon ko na-realize na hindi ko na ’to kaya kasi parang feeling ko, kabibigay ko pa lang ng dream niya eh. This is not about material, pero para sa akin, binigay ko sa ’yo ’yung makakapagpaligaya sa ’yo. Binigyan ko siya ng kotse.
“Eh nung araw na ’yun, kinaladkad mo ako sa sahig. Parang pakiramdam ko, ano pa ba ang magagawa mo sa akin habang ako, lahat naibigay ko na sa ’yo? Lahat ng pagmamahal, lahat ng ka-spoiled-an, lahat ng gusto mo,” kuwento niya kay Tito Boy sa The Buzz.
At ang nakaka-praning na kuwento ng magaling ng box-office queen ay ang mga sandaling sinasaktan pala ni Jed ang sarili ’pag hindi nito nasusunod ang gusto na nagdulot sa kanya ng matinding trauma.
Pero may nag-warning na pala sa kanyang kaibigan na nagsabing plano ni Jed na kuwartahan lang siya.
“May isa akong friend dati, mga three or four months pa lang kami. Siguro naawa siya (friend) sa akin or nakonsensiya. Sinabi na niya sa akin na may balak si Jed na lokohin ako and later on, ’pag nagawa na niya ’yun, mayroon siyang kakasamahing iba,” paglalahad ni AiAi.
Pero hindi siya naniwala sa sinabi ng kaibigan sa takot madiskubre ang katotohanan. Inisip niya raw na palampasin at hoping siya na hindi’ yun totoo.
“Akala ko kasi siya ’yung ibinigay sa akin. Hindi ba Ama, alam mo naman na dream ko na magkaroon ng asawa? Akala ko, siya ’yun. Siyempre, tao lang naman ako na nagkakamali. Hindi ko naman alam na magiging ganun ang buhay ko,” kuwento niya habang umiiyak na alam mo ang sakit na nararamdaman.
Umabot pa sila sa psycho-therapist para isalba sana ang pagsasama. Pero walang nangyari.
Sinabi ng kanyang doctor na meron siyang trauma at depression sa nangyari.
Aminado naman siya dahil kahit ring lang ng telepono, nanginginig na siya.
Nang tanungin niya kung mahal pa niya ito: “Oo Ama, mahal ko pa siya pero from May 2, sa lahat ng nalaman ko, napalitan ’yung pakiramdam ko ng galit at pagtataka kung bakit nakayanan niyang gawin sa akin ’yun.”
Naramdaman ba niyang minahal siya ni Jed?
“Sa lahat ng nalaman ko tingin ko hindi! Kahit kailan, hindi!”
Sa ngayon ay hindi na nagsasama sina AiAi at Jed at ipinauubaya na raw niya sa kanyang lawyer ang legalities pagdating sa pagpa-file ng divorce.
Bago ang pag-iyak ni AiAi sa The Buzz kahapon ay nakakatawa pa siya sa Pilipinas Got Talent kung saan isa siya sa mga hurado.











.bmp)



























